ROSAS NG DIGMASumibol sa isang panahong marahas Bawat pagsubok ay iyong hinarap At hangga?t laya?y di makamtan Buhay moy laging laan
Namumukadkad at puno ng sigla Tulad mo?y rosas sa hardin ng digma At di maiwasang sa iyo ay humanga Ang tulad kong mandirigma.
Akoy nangangarap na ika?y makasama Taglay ang pangakong iingatan kita Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding-hindi kukupas at di malalanta
Ang kulay mong angkin sinkintab ng dugo Nagbibigay buhay sa bawat puso Tinik mong sagisag ng tapang at giting Sa laranga?y kislap ng bituin.
Ika?y paro-parong nangahas lumipad Sa dilim nga gabi?y pilit na umalpas Pagkat hanap ay maningning at layang bukas Sa aking mundo?y napadpad.
Katulad ng iba na nagmamahal din Kahit malayo ay liliparin Upang pag-ibig koy maiparating Sa rosas ng iyong paningin
Ako?y nagagalak tayo?y magkasama Taglay ang pangakong iibigin kita Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding hindi kukupas di malalanta Gaya ng pag-ibig ko sa iyo sinta.Irene G. Mercado
HOME | ABOUT ME | MY WORK | PHOTOS | LINKS | E-MAIL